Mga magulang ng sangkot sa bullying viral video nagharap na sa Ateneo

Nagkaharap-harap na ang mga partido sa bullying incident na kinasasangkutan ng ilang Ateneo Junior High School students.

Sa kanyang update, sinabi ni Ateneo de Manila University (ADMU) President Fr. Jose Ramon Villarin SJ na kasama sa naganap na paghaharap ang mga magulang ng mga batang sangkot sa kaguluhan.

“The Ateneo Junior High School Committee on Discipline has already met with and heard both parties involved an the case shall be decided soonest, and this decision shared with the community,” ayon pa kay Villarin.

Sinabi pa ng opisyal na kanilang ipinatawag ang lahat ng sangkot sa bullying incident bilang bahagi ng kanilang administrative investigation.

Nauna nang tiniyak ng pamunuan ng Ateneo na hindi nila kinukunsinti ang anumang uri ng karahasan sa kanilang paaralan.

At kung mapapatunayang may pang-aabuso ay pwedeng masipa palabas ng Ateno ang mga sangkot sa bullying.

Dagdag pa ni Villarin, “A hallmark of Ateneo education is teaching our young men to respect the dignity of others, to practice the value of communication and dialogue, and to cultivate the compassion and discipline we all need to build mutual respect and peace in the community.”

Kagabi ay nagpa-blotter na rin sa Quezon City Police District Station 9 ang magulang ng isa sa mga biktima ng pananakit ng isang Junior High School student ng Ateneo.

Read more...