Nasabat ng Bureau of Customs ang tatlong kahina-hinalang magnetic lifters mula sa isang barko na dumanong sa Mindanao International Container Terminal (MICT) sa Tagoloan, Misamis Oriental.
Sinabi ng ilang Customs officials sa lugar na hinihintay na lamang nila ang pagdating ng ilangmga eksperto para pangunahan ang pagbubukas sa nasbaing mga magnetic lifters na mula sa China.
Magugunitang kamakailan ay mga magnetic lifters rin ang sinasabing pinaglagyan ng P11 Billion na halaga ng droga na naipasok sa bansa.
Pansamantala munang hindi isinapubliko ang pangalan ng consignee pati na rin ang address nito lalo’t hindi pa naman kumpirmado kung illegal drugs nga ang laman ng kargamento.
Tiniyak ng mga Custom official na magiging transparent ang pagbubukas ng nasabing mga magnetic lifters.
Nauna dito ay sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency na posible pang masundan ang pagpasok sa bansa ng malakihang shipment ng droga tulad nang nangyari sa Cavite.