Pangulong Duterte nanguna sa Christmas party ng mga sugatang sundalo sa Malacañang

Isang Christmas gathering ang inihanda ng Malacañang para sa mga sundalong wounded-in-action at sergeant-majors.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna para sa nasabing pagtitipon.

Personal na binati at pinasalamatan ng presidente ang mga sundalo sa kanilang katapangan at sa pagiging mabuting halimbawa.

Ayon kay Duterte, hanggang siya ay nasa pwesto ay susuportahan niya ang kanyang mga sundalo at pulis.

Proud anya siya sa serbisyo at sakripisyo na ibinibigay ng kanyang uniformed personnel sa bansa.

Read more...