Pope Francis tiniyak ang hustisya para sa mga biktima ng priest abusers

Naging matapang ang pahayag ni Pope Francis tungkol sa umano’y mga pang-aabuso ng ilang mga pari ng Simbahang Katolika.

Sa kanyang Christmas speech sa Vatican, iginiit ng Santo Papa na hindi na muling pagtatakpan ang mga pang-aabuso sa Simbahan.

Aminado ang lider ng Simbahang Katolika na bigo ang mga nagdaang liderato na seryosong tugunan ang mga naging ulat ng pang-aabuso.

Kasabay nito, kanyang hinimok ang mga pari na nang-molestiya sa mga kabataan na sumuko nang kusa.

Ani Pope Francis, wala nang kasong maibabasura at pagtatakpan gayundin ay gagawin ang lahat para mapanagot ang sinumang mapatunayang may-sala.

Babala ng Santo Papa sa mga pedophiles, maghanda sa hustisya ng tao at higit sa lahat – sa hustisya ng Diyos.

Read more...