Ayon kay General Manager Jojo Garcia, kumakapal na ang volume ng mga sasakyan sa naturang lansangan bagaman hindi pa maituturing na ‘carmageddon’.
Lampas na sa kalahati ang bilang ng mga sasakyan sa kapasidad ng EDSA na 200,000 lamang.
Ayon kay Garcia, bumagal sa 14 kilometro kada oras ang daloy ng trapiko sa EDSA mula sa karaniwang 19 kilometro bawat oras.
Ani Garcia, kung hindi nila kayang pabilisin ang daloy ng trapiko, nais nilang pagalawin man lamang at hindi mahinto sa trapiko ang mga motorista.
Patuloy ang pagsisikap ng MMDA na kahit paano ay gumalaw ang trapiko sa major road.
Sa katunayan ay ipinatupad ang ‘no day off, no leave’ policy ng MMDA personnel ngayong Kapaskuhan at nagdeploy din ng 182 na traffic enforcers.
Ngayong weekend inaasahang marami pa rin ang uuwi sa mga probinsya para ipagdiwang ang Pasko.