Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nasa P583.5 bilyon ang nasayang dahil sa mga proyekyong shelved o hindi natuloy hanggang December 2017.
Batay anya sa COA, ang mga government projects ay sinuspinde, ipinahinto o nasa litigation matapos madiskubre na iregular, hindi kailangan at mahal.
Pero sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi naman tuluyang nasayang ang nasabing mga proyekto.
Itinigil lang anya ang proyekto dahil sa legal na isyu gaya ng may nagsampa ng kaso sa panig ng natalong bidder.
Gayunman, kung talagang iregular ang proyekto, sinabi ni Panelo na dapat magrekomenda ang COA ng kaso sa mga kaukulang panig.
Mula anya sa rekomendasyon ng COA ay aaksyunan ito ng Department of Justice (DOJ).