Rollback ng ilang kumpanya ng langis epektibo na bukas, Dec. 22

Mauuna nang magpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang ilang mga kumpanya ng langis.

Bukas araw ng Sabado, Dec. 22 magpapatupad na ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanyang Unioil, Seaoil at Phoenix Petroleum.

Alas 12:01 ng madaling araw epektibo ang rollback ng Phoenix habang alas 6:00 naman ng umaga ang rollback ng Unioil at Seaoil.

Bawas na P1 kada litro ng gasolina at diesel ang ipatutupad ng tatlong kumpanya.

Read more...