Kinumpirma ni Senator Koko pimentel III na nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na ang Road Board.
Ayon kay Pimentel, nabanggit ito sa kaniya ng pangulo noong dumalo sila sa selebrasyon ng kaarawan ni Senator Manny Pacquiao sa General Santos.
“We should abolish road bard” ang partikular na pahayag sinabi aniya sa kaniya ng pangulo.
Kasunod nito, ipinaliwanag umano niya kay Pangulong Duterte na may panukalang batas na sa Senado sa pag-abolish ng Road Board.
May parehong panukala din sa sa Kamara noong panahon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez pero binawi ito ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
MOST READ
LATEST STORIES