Ang Christmas message ng pangulo ay umere na sa state-run television na PTV.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ng pangulo na muling sumapit ang panahon para sa pagsasama-sama ng pamilya at magkakaibigan upang ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesus.
Gayundin ang pagbabahagi ng biyaya at pagpapakita ng pagmamahal at pasasalamat.
Hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga Filipino na isiping mabuti ang aral na maaring matutunan sa pagsilang ni Hesukristo.
Hiling din ng pangulo na mamayani ang habag, kabutihang loob at pagkakasundo sa bawat isa ngayong Pasko.
Sa huli sinabi ng pangulo na magkaisa ang lahat para sa pag-asa at kapayapaan sa bansa ngayong Yuletide season kasabay ng pagsalubong natin sa paparating na Bagong Taon.