South Tollways may ilang araw na hindi maniningil ng toll fee

May ilang araw na libre ang toll sa mga South Tollways.

Sa abiso, ng SMC Tollways, hindi sila maniningil ng toll fee sa South Tollways mula alas 10:00 ng gabi ng Dec. 24 hanggang alas 6:00 ng umaga ng Dec. 25 at mula alas 10:00 ng gabi ng Dec. 31 hangang alas 6:00 ng umaga ng January 1, 2019.

Sakop nito ang NAIA Expressway, Skyway, South Luzon Expressway at Star Tollway.

Ito ay regalo ng SMC para sa Pasko at Bagong Taon at bilang pasasalamat na rin nila sa mga motorista.

Read more...