Tatlong sasakyan nagkarambola sa Sultan Kudarat, 2 patay, 11 sugatan

Inquirer file photo
Patay ang dalawang katao habang sugatan ang 11 iba pa matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa national highway sa Esperanza, Sultan Kudarat.

Ayon kay Police regional spokesperson Supt. Aldrin Gonzales, nasawi sina Herson at Gio Matunding na kapwa sakay ng Toyota Avanza at patungo sana sa Cotabato City.

Ito ay matapos bumangga ang kanilang sasakyan sa isang Mitsubishi Strada pick-up truck at six-wheeler Fuso Canter.

Nakilala naman ang mga nasugatan na sina Vincent Mark Bablos, Maria Socias, Benjie Biaca, Marivic Alcano, Marga Quintos, Ken Quintos, Josefina Puentoba, Danny Vicente, Vever Tomandang, Ernesto Gulmatico, at Victoriano Gulmatico.

Agad dinala sa Sultan Kudarat provincial hospital ang mga nasugatan.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa kung ano ang naging sanhi ng aksidente.

Read more...