12 kandidato sa pagka-senador diniskwalipika ng Comelec

Diniskwalipika ng Commission on Elections ang 12 kandidato sa pagka-senador para sa 2019 midterm elections.

Pero hindi isinapubliko ni Comelec Spokesman James Jimenez ang pangalan ng mga naghain ng Certificate of Candidacy sa posisyong senador pero hindi pinayagan ang kanilang kandidatura.

Ayon kay Jimenez, ilalabas nila ang pinal na listahan ng mga kwalipikadong senatorial candidates sa susunod na linggo.

Hanggang December 15, mula sa 152 senatorial aspirants, nabawasan ito at naging 140.

Sa 152 na nagfile ng COC, 13 ang kasalakuyan o dating senador, mahigit sa 12 na mababakanteng pwesto sa senado.

Samantala, sa party-list representation, sinabi ni Jimenez na naibaba ang kwalipikadong grupo sa 100 mula sa 185 na naghain ng certificate of nomination noong Oktubre.

Sa record ng Comelec, mayroong 34,000 na kakandidato sa elective post sa susunod na halalan.

Sisimulan ng ahensya ang imprenta ng mga balota para sa 2019 elections sa unang linggo ng enero kaya asahan na ilalabas ang final list ng qualified candidates sa susunod na 2 linggo.

Read more...