Tumataas naitalang bilang ng mga nasasawi nang dahil sa aksidente sa kalsada sa Pilipinas sa nakalipas na mga taon.
Sa Global Status Report on Road Safety ng World Health Organization (WHO), noong 2016, nakapagtala ng 12,690 na nasawi dahil sa aksidente sa kalsada.
Mas mataas ito ng 2,000 kumpara sa datos noong 2015.
Ayon sa WHO, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng mga driver at pasahero ng 4-wheeled vehicles, heavy trucks, mga bus, mga motorsiklo, cylists at maging mga pedestrians.
Bahagi din ng ulat na noong 2016, mayroong 9,251,565 na bilang ng mga rehistradong sasakyan sa Pilipinas.
Sa nasabing bilang, 5,329,770 o mahigit kalahati ay motorsiklo.
Ang mga 4-wheeled vehicles na rehistrado ay nasa 3,434,329; habang mayroong 407,357 na rehistradong heavy trucks at 29,794 na rehistradong bus.