Pero hindi kasama sa inaprubahang bersyon ang probisyon na mag-aabolish sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Office of the Government Corporate Counsel.
Sa ilalim ng Senate Bill 1626 na inihain ni Senator Ricahrd Gordon, nais nitong i-consolidate ang legal services sa gobyerno sa iisang tanggapan na lamang sa pamamagitan ng pag-abolish sa PCGG at OGCC at ilipat ang kapangyarihan nila sa OSG.
Pero may isyu hinggil sa posibleng conflict of interest kapag ginawa ito, kaya kalaunan binago ni Gordon ang panukala.
Ayon kay Gordon, sa halip na i-abolish ang PCGG, dapat bigyan na lamang ito ng sapat na pondo at dapat lumikha ng komite para mamonitor ang aktibidad nito.
Matapos ang isang taong deliberasyon sa panukala, sa botong 16-0 ibinasura ang probisyon na mag-aabolish sa dalawang tanggapan at ipinasa ang panukala para mas palakasin pa ang OSG.
Sa pagpapalakas ng OSG, kukuha ng mas maraing abugado para maging pangunahin itong law office ng gobyerno at pangunahing legal defender.