Turkish Airlines lilipat na sa Terminal 3 ng NAIA mula sa susunod na taon

MIAA Photo

Inabisuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang publiko hinggil sa paglipat ng terminal ng Turkish Airlines simula sa susunod na taon.

Ayon sa MIAA, mula sa January 1, 2019 ang Turkish Airline ay ililipat na sa NAIA Terminal 3.

Sa kasalukuyan nasa Terminal 1 ng NAIA ang nasabing airline.

Dahil dito, ang lahat ng may biyahe sa Turkish Airlines para sa kanilang Flight Numbers TK 084/085, ay pinapayuhang sa terminal 3 na dumeretso mula January 1.

Read more...