Calayan, Cagayan niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol ala 1:18 ng hapon ng Biyernes, Dec. 21.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 31 kilometers Southwest ng Calayan.

May lalim na 16 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...