Sa desisyon ng Sandiganbayan 6th Division, pinayagan ang motion to travel ni Floirendo mula Dec. 27 hanggang January 2, 2019 papuntang Hong Kong para ipagdiwang holiday season kasama ang kaniyang pamilya.
Unang sinabi ni Floirendo na nakakuha na rin siya ng travel authority mula kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na kaniyang inilakip sa mosyon niya sa anti-graft court.
Ayon sa mambabatas hindi naman siya flight risk at tiyak na babalik siya ng Pilipinas na pinatunayan na niya ng ilang beses sa mga nagdaan niyang biyahe.
Si Floirendo ay nahaharap sa kasong graft sa Sandiganbayan dahil sa financial interest nito sa Joint Venture Agreement sa pagitan ng Tagum Agricultural Development Authority (TADECO) at Anflo Management and Investment Corporation para sa pagpaparenta ng lupain ng Davao Penal Colony.