Pangulong Duterte sa Davao City muli magpapasko

Sa Davao City muli magpapasko si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo gaya ng mga nagdaang taon, uuwi sa kaniyang hometown ang pangulo para doon ipagdiwang ang Pasko kasama ang pamilya.

Sa dalawang nakaraang taon din, kapag Christmas eve, bumibisita ang pangulo sa mga batang maysakit sa mga pagamutan sa Davao.

Maari aniyang muli itong gawin ng pangulo ngayong taon.

Read more...