DFA secretary at US Secretary of State nagpulong sa Washington

DFA Photo

Nakipagkita si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., sa kaniyang counterpart sa Estados Unidos na si Secretary of State Mike Pompeo.

Naganap ang pagkikita ng dalawa sa Washington, Biyernes (Dec. 21) ng umaga oras sa Pilipinas kung saan kabilang sa kanilang tinalakay ang mga kasalukuyang hakbang para matugunan ang regional issues gaya ng sa South China Sea.

Ayon kay DFA Deputy Spokesperson Robert Palladino, kasama din sa tinalakay ang usapin sa North Korea at ang counterterrorism.

Muli ring tiniyak ng dalawang opisyal ang commitment ng dalawang bansa sa ilalim ng ilang dekada nang Mutual Defense Treaty.

Noong Oktubre unang nagkausap sina Pompeo at Locsin sa pamamagitan ng telepono matapos hirangin ni Pangulong Duterte bilang kalihim ng DFA si Locsin.

Read more...