Sa mosyon ng DBDOYC, Inc. ang kumpanyang nagmamay-ari sa Angkas, makatutulong sa problema sa traffic sa Metro Manila at sa mga nahihirapang commuters kung aalisin ng SC ang TRO.
Binanggit pa ng Angkas sa kanilang mosyon na mas kawawa ang mga commuter ngayong Christmas season na maraming pasahero ang nasa lansangan at naghahanap ng masasakyan.
Maliban pa dito ang libu-libong Angkas drivers na mawawalan ng hanapbuhay.
Magugunitang noong Dec. 5, nagpalabas ng TRO ang Korte Suprema na pumipigil sa naunang desisyon ng Mandaluyong RTC Branch 213.
READ NEXT
Pangulong Duterte nagtalaga ng mga bagong envoy sa Middle East, European at African countries
MOST READ
LATEST STORIES