BJMP personnel tatanggap ng performance based-bonus

Magandang balita para sa mga empleyado ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)!

Sinabi ni BJMP Chief Jail Director Deogracias Tapayan na kwalipikado ang ahensya para tumanggap ng performance based-bonus.

Ayon kay Tapayan, nakatanggap na sila ng kumpirmasyon mula sa Inter-Agency Task Force na nagsasabing nakatugon sa requirements ang BJMP para maging kwalipikado sa PBB.

Pinasalamatan naman ni Tapayan ang mga opisyal at tauhan ng BJMP na nagtulong-tulong para makapagbigay ng magandang performance ang ahensya.

Sa sandaling mai-release na ang pondo para sa naturang bonus, otomatiko itong ipapasok sa account ng mga kwalipikadong BJMP personnel.

 

Read more...