LOOK: National costume ni Miss Universe Catriona Gray naka-display sa NHCP sa Maynila

Naka-display ngayon ang isinuot na national costume ni Catriona Gray sa National Historical Commission of the Philippines sa Ermita, Maynila.

Ang pag-display sa nasabing kasuotan ay bahagi ng opisyal na paglulunsad ng NHCP sa “Philippine Quin-centennial Commemorations (PQC) of the Victory at Mactan”.

Bago ang pag-display sa costume, sinabi ni NHCP officer-in-charge for Materials Research and Conservation Division Rommel Aquino na isinailalim nila sa documentation at assessment ang costume at inayos ang ilang sira na nakita dito.

Hinangaan din ng NHCP ang determinasyon ni Catriona Gray matapos matuklasan na mahigit na mahigit 8 na kilo ang bigat ng costume pa lamang, wala pa ang parol na kaniyang hinila.

Ayon kay Aquino, ang head gear ng costume ay 1.5 kilos, ang brass belt ay 3.2 kilos, ang bangles ay 1.5 kilos, ang beaded body suit ay isang kilo at ang sapatos ay 3.7 kilos.

Maliban sa pag-display sa national custome ni Catriona, bahagi din ng event ang launching ng official website ng National Quin-centennial Committee at unveiling ng kanilang commemorative logo at presentation ng mga plano para sa quin-centennial.

Read more...