Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., wala pang natatanggap ang Palasyo na anumang ulat hinggil sa mga Pinoy na naapektuhan ng terror attacks sa Paris.
Sa kabila nito, sinabi ni Coloma na batay sa Department of Foreign Affairs, sa pamamagitan ni Philippine Ambassador to the French Republic Maria Theresa Lazaro ay patuloy na minomonitor ang sitwasyon doon.
Tiniyak din ni Coloma na handang magparating ng assistance ang embahada sa mga Pilipino sa Paris.
Hininok naman ang lahat ng Filipino migrants na sundin ang payo ng local authorities sa buong France, lalo’t nananatiling mataas ang tensyon doon dahil sa mga pag-atake.
Tinatayang nasa 50,000 hanggang 60,000 na Pilipino ang naninirahan ngayon sa France, at kalahati umano sa bilang ay undocumented.