Election Registration Board hearings ng Comelec sa NCR suspendido mula Nov. 16-18

comelecPansamantalang sinuspinde ng Commission on Elections o Comelec ang mga pagdinig nito kaugnay sa Election Registration Boards o ERBs sa National Capital Region o NCR ngayong linggo, dahil sa APEC leaders meeting.

Nauna nang itinakda ng Comelec ang ERB hearings sa November 16 hanggang 18 sa buong Pilipinas.

Ayon kay Comelec Commisssioner Christian Robert Lim, ang ERB hearings sa NCR ay magre-resume sa susunod na linggo o matapos ang APEC week.

Pero paglilinaw ni Lim na ang mga pagdinig sa ERB sa iba pang lugar sa bansa ay tuloy.

Paliwanag ng commissioner, kinailangang suspendihin ang ERB hearings sa NCR dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko na idudulot ng APEC.

Ang ERB ay isang panel na constituted sa ilalim ng Konstitusyon para aprubahan o hindi ang voter registration.

Sa bawat siyudad at munisipalidad ay mayroong sariling ERB, na binubuo ng mga election officer, isang public school officials at local civil registrar.

Read more...