Ang extension ng bagong LPA ay nakakaapekto sa buong Visayas, bahagi ng katimugang Luzon at silangang Mindanao.
Maliit naman ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang nasabing LPA at maaring malusaw sa SAbado ng gabi o Linggo ng umaga.
Dahil sa nasabing LPA ang Bicol Region, buong MIMAROPA, buong Visayas, Caraga Region at Davao Region ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat.
Maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng northern Luzon dahil sa hanging amihan.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang iiral at makararanas lang ng isolated na thunderstorms sa hapon o gabi.
Ang LPA naman na nagpaulan kahapon sa Visayas at Mindanao ay nalusaw na.