Aabot sa 80 katutubong Aetas na nanlilimos sa mga lansangan ang nailigtas ng mga tauhan ng Quezon City Police District.
Karamihan sa mga nasagip ay mga kabataan na galing sa Tarlac at dumayo sa Quezon City para manlimos ngayong Kapaskuhan.
Pawang natutulog sa kalsada ang mga katutubo nang magsagawa ng operasyon ang mga pulis sa magdamag.
Dinala muna pansamantala sa isang shelter home sa Mandaluyong ang mga nasagip.
Matapos ito ay tutulungan silang makauwi sa kanilang lalawigan.
MOST READ
LATEST STORIES