3 arestado sa buy bust operation sa Quezon City

Sa loob na ng kulungan sasalubungin ng tatlong drug suspek ang Pasko matapos mahuli ang mga ito sa buy-bust operation sa Brgy. Sto. Cristo, Quezon City.

Ayon kay QCPD station 7 chief Supt. Giovanni Caliao, nagkasa sila ng operasyon laban kay alyas ‘Utol’, 33 anyos, isang kilalang drug pusher sa lugar.

Nakabili ang kanilang poseur buyer ng P1,000 halaga ng droga mula sa suspek kung saan natimbog din ang kanyang mga kasamahan na umano’y mga tulak din ng bawal na gamot.

Nakuha sa mga suspek ang siyam na small plastic sachets at isang medium-sized sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang may street value na P21,000.

Dahil dito, mahaharap ang tatlo sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...