Rollback sa petrolyo inaasahan muli sa susunod na linggo

Mayroon na namang namumurong bawas sa presyo ng langis sa susunod na linggo.

Batay sa trading sa World Market mula noong Lunes hanggang Miyerkules, umabot sa P0.70 ang natapyas sa presyo ng imported diesel.

Nabawasan naman ng P0.61 ang presyo ng imported na gasolina.

Gayunman, magbabago pa ito batay sa magiging resulta ng trading hanggang sa araw na ito.

Kung sakali, ito na ang ikalawang sunod na linggong rollback sa mga produktong petrolyo.

Read more...