Tiniyak ng pamunuan ng Ateneo de Manila University na seryoso nitong inaaksyunan ang insidente ng bullying na naganap sa Ateneo Junior High School.
Kumalat ang naturang video sa social media kung saan makikita ang isang estudyanten na napuruhan sa pambubugbog ang kanyang kamag-aral sa loob ng isang comfort room.
Tiniyak ni ADMU President Jose Ramon Villarin na kumikilos ang Pamantasan sa insidenteng ito at binibigyan nang kaukulang prayoridad.
Iginiit din ni Villarin na hindi palalampasin ng ADMU ang mga kahalintulad na asal at kailanman ay hindi nanahimik ang paaralan sa karahasan.
Hindi rin anya mag-aatubili ang Ateneo na magpatupad ng mga parusa tulad ng dismissal at expulsion sa mga kaso ng ‘grave misconduct’.
Nanawagan naman si Villarin ng panalangin para sa mga estudyante at pamilyang apektado ng mga insidente ng karahasan.