Matatandaang nag-viral sa social media ang videos ng pambubully ng isang Taekwondo champion ng paaralan sa kapwa nito mga kamag-aral.
Sinabi ng Philippine Taekwondo Association na hindi itinuturo ng Taekwondo sa mga practitioners nito ang anumang uri ng kawalan ng kagandahang asal tulad ng bullying, karahasan at harassment.
Ang mga naturang gawain anya ay ang mismong mga bagay na taliwas sa mga aral ng Taekwondo.
Giit ng samahan, ang kababaang-loob at paggalang sa sarili maging sa ibang tao ay ilan sa mga unang itinuturo sa Taekwondo practitioners.
Samantala, sinabi rin ng samahan na irerespeto nila ang gagawing aksyon ng eskwelahan sa estudyanteng sangkot ngunit magsasagawa rin sila ng sariling imbestigasyon.