Ayon sa ulat ng pulisya, isang maintenance personnel ang nakakita sa granada noong Martes habang nililinis ang mga lockers sa basement floor ng building.
Agad na nakipag-ugnayan ang security personnel ng ABS-CBN sa mga pulis para i-dispose ang live grenade.
Ligtas na narekober ng mga awtoridad ang pampasabog na napag-alamang gawa ng Belgian company na Poudreries Réunies de Belgique (PRB).
Hindi pa nahahanap ang may-ari ng pampasabog.
Sa isang pag-aaral noong 1990 sa Pace University, lumalabas na kapag sumabog ang PRB 423-grenade na kapareho nang natagpuan sa ABS-CBN, apektado ang mga taong nasa loob ng nine-meter radius o may lawak na 232 square meters.