Pangalan ng mga mambabatas na humingi ng pera sa Road Board inilabas na

Radyo Inquirer

Isinapubliko ng liderato ng Kamara ang pangalan ng mga kongresista at mga senador na umano’y humingi ng pondo sa Road Board para sa kani-kanilang mga proyekto.

Ito sa sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat nang buwagin ang Road Board dahil pinagmumulan lamang ito ng pondo sa kurapsyon.

Ang Road Board ang siyang ahensya ng pamahalaan na may tungkulin na magturo ng mga proyektong popondohan ng pera na galing sa Motor Vehicle User’s Charge.

Ang nasabing pondo ay bahagi kinukolekta sa tuwing nagpapa-rehistro ng sasakyan ang mga car owners.

Kabilang sa listahan ay sina dating Majority Leader Rodolfo Fariñas na humingi umano ng P277 Million para sa kanyang mga proyekto sa kanyang distrito sa Ilocos Norte.

Si PBA partylist Rep. Jericho Nograles ay humirit rin ng P485 Million na pondo para sa ilang infrastructure project kahit na wala naman siyang direktang constituent.

Kabilang rin sa listahan sina:

Taguig City-Pateros Rep. Arnel Cerafica

Kabayan party-list Rep. Ron Salo

Pangasinan 6th District Rep. Marlyn Primcias-Agabas

LPGMA party-list Rep. Arnel Ty

ANAC-IP party-list Rep. Jose Panganiban

Isabela 3rd District Rep. Napoleon Dy

Isabela 4th District Rep. Ma. Lourdes Aggabao

Nueva Vizcaya Rep. Luisa Lloren Cuaresma

Aurora Rep. Bellaflor Angara-Castillo

CIBAC party-list Rep. Sherwin Tugna

Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales

MATA party-list Rep. Tricia Velasco-Catera

Batangas 3rd District Rep. Ma. Theresa Collantes

Cavite 2nd District Rep. Strike Revilla

Cavite 7th District Rep. Abraham Tolentino

Bagong Henerasyon party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy

AGBIAG party-list Rep. Michelle Antonio

Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop

1-PACMAN party-list Rep. Michael Romero

Camarines Sur 5th District Rep. Salvio Fortuno

Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento

Southern Leyte Rep. Roger Mercado

Zamboanga Del Sur 2nd District Rep. Aurora Cerilles

Zamboanga Sibugay Rep. Ann Hofer

Cagayan De Oro City 2nd District Rep. Maximo Rodriguez

AASENSO party-list Rep. Teodoro Montoro

COOP NATCCO party-list Rep. Sabiniano Canama

Akbayan party-list Rep. Tom Villarin

North Cotabato 2nd District Rep. Nancy Catamco

North Cotabato 3rd District Rep. Jose Tejada

Surigao Del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers

Surigao Del Norte 1st District Rep. Francisco Jose Matugas

Surigao Del Sur 1st District Rep. Prospero Pichay

Surigao Del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel

Kalinga Rep. Allen Jesse Mangaoang

Nueva Ecija 2nd District Rep. Micaela Violago

Iligan City Rep. Frederick Siao.

Kasama rin sa listahan ng mga humingi ng pondo sa Road Board sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Sonny Angara.

Wala sa listahan si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na nauna nang sinabi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na kasama sa mga humingi ng pondo.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Fariñas na wala namang umabot na pondo sa kanyang tanggapan lalo na sa kanyang distrito mula sa pondo ng Road Board.

Read more...