Pilipinas tanggal na sa listahan ng “deadliest countries” for media

Photo: Ferdinandh Cabrera

Nabura na ang Pilipinas sa listahan ng top 5 na deadliest  countries para sa mga media ngayong 2018.

Base sa annual report ng media freedom organization na Reporters Without Boarders, kabilang sa top 5 ang Afghanistan, Syria, Mexico, India at ang America.

Wala na ang Pilipinas na dati rati ay nasa listahan ng mga pinaka-delikadong lugar para sa mga mamamahayag.

Ayon kay Communications Sec. Martin Andanar,  umaabot lamang sa tatlo ang naitalang mamamahayag na napaslang ngayong taon kung saan kabilang dito sina  Joey Llana ng DWZR Radio sa Albay noong July 20;  Dennis Denora ng  Trends and Times mula sa Panabo city noong June 7 at Edmund Sestoso ng DYGB sa Dumaguete noong May 1.

Sinabi ng kalihim na malaking tulong  ang binuong Presidential Task Force on Media Security ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng  Administrative Order 1.

Binigyang diin ni Andanar na magpapatuloy ang PCOO at ang pamahalaan sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga mamamahayag sa  bansa sa ngalan na rin ng  Press freedom

Samantala, ayon naman sa PTFoMS, ang pagkakaalis sa Pilipinas sa top 5 deadliest countries ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng  task force  na matupad ang mandato nitong  protektahan ang buhay, kalayaan at seguridad ng  media workers.

Matatandaan na kauupo pa lamang ni Pangulong Duterte sa puwesto noong  2016 nang lagdaan nito ang Administrative Order number 1 para mabigyan ng proteksyon ang mga mamamahyag sa bansa.

Read more...