Ayon sa SSS, kung mayroong nalaktawan buwan sa taong 2018 at may hindi nabayarang kontribusyon, may pagkakataon pa ang miyembro na kumpletuhin ang kanilang 2018 SSS contributions.
Batay sa extended deadline na inilabas ng SSS, para sa mga self-employed, voluntary at OFW members kasama na ang mga household employers, ang deadline sa SSS contribution para sa period na January hanggang December 2018 ay iniurong sa January 2, 2019.
Habang ang deadline naman sa SSS contribution para sa period na October hanggang December 2018, ang deadline ay itinakda na sa January 31, 2019.
Pinayuhan ang mga miyembro na kunin ang kanilang payment reference number o PRN para makapagbayad ng kontribusyon.
Ang PRN ay maaring makuha sa SSS website, SSS collection partners, SSS branches o ‘di kaya ay mag-email sa prnhelpline@sss.gov.ph