Sa abiso ng LRT-1, sa December 24 hanggang December 28, may pagbabago sa schedule ng kanilang last train patungong Baclaran at Roosevelt.
Nakasaad sa abiso na para sa nasabing mga petsa, mananatiling alas 4:30 ng umaga ang alis ng unang biyahe ng tren nila patungong Baclaran at Roosevelt stations.
Pero sa Dec. 24, alas 8:00 ng gabi ang last train nila patungong Baclaran at Roosevelt.
Sa araw naman ng Pasko, Dec. 25, 9:45pm ang last train patungong Baclaran at 9:35pm ang alis ng last train patungong Roosevelt.
Sa December 26, 27 at 28, normal ang schedule ng last train ng LRT-1 – 10:15pm patungo ng Baclaran at 10:00pm patungong Roosevelt.
Sa December 29 hanggang January 12, 2019 naman, normal din ang oras ng alis ng unang biyahe ng tren ng LRT-1.
Pero sa Dec. 29, Dec. 30, Jan. 1 at Jan. 2, 9:45 ng gabi ang last train patungong Baclaran at 9:30 ng gabi ang last train patungong Roosevelt.
Sa Dec. 31 naman na bisperas ng Bagong Taon, alas 7:00 ng gabi ang last train patungong Roosevelt at Baclaran.