Itinaas na ng Department of Health (DOH) ang code white alert sa lahat ng pampublikong ospital sa bansa bilang paghahanda sa nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang code white alert ay nangangahulugang buong pwersa ng medical personnel kabilang ang mga hindi naka-duty ay dapat on-call at rumesponde kapag kinakailangan.
Mula noong December 21 ay nakapagtala na ng limang kaso ng firecracker-related injuries ang kagawaran.
Ayon kay Health Usec. Rolando Domingo inaasahang tataas pa ang bilang habang papalapit ang Bagong Taon.
Nagpayo rin ang kagawaran sa publiko na magsagawa ng tamang first aid sakaling mabiktima ng paputok at agad na pumunta sa ospital para maturukan ng anti-tetanus.
Muli namang hinikayat ng DOH ang publiko na huwag gumamit ng mga paputok at manood na lamang ng community fireworks displays.