House Speaker Arroyo interesadong maging Finance secretary

Ibinunyag ni Budget Secretary Benjamin Diokno na nagkaka-interest si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa puwesto ni Finance Secretary Sonny Dominguez.

Pahayag ito ni Diokno sa gitna ng girian sa pagitan ng ehekutibo at kongreso sa 2019 national budget.

Target umano ni Arroyo na palitan si Dominguez oras na matapos ang kanyang termino sa pagka-kongresista sa July 2019.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, walang napag-uusapan sa cabinet meeting na lilipat sa DOF si Arroyo.

Ayon kay Panelo, base sa kanyang pagkakaalam nais na lamang ni Arroyo na i-enjoy ang kanyang retirement sa pulitika.

Read more...