Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), inaasahan na kasing maraming mag-uuwian sa mga lalawigan para magdiwang ng Kapasukan.
Sinabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago, simula bukas, Dec. 21, 2018 hanggang sa January 2, 2019 suspendido na ang number coding para sa mga provincial buses.
Para naman sa mga pribadong sasakyan, suspendido na ang number coding mula December 24, 2018 hanggang January 2, 2019.
Mula bukas, araw ng Biyernes inaasahan na ang magiging dagsa ng mga pasahero sa mga terminal ng bus sa Metro Manila para bumiyahe pauwi sa mga lalawigan.
READ NEXT
Resignation ng obispo sa Los Angeles na inakusahan ng sexual abuse tinanggap na ni Pope Francis
MOST READ
LATEST STORIES