Tinanggap na ni Pope Francis ang resignation ng isang obispo sa Los Angeles na inaakusahan ng sexual abuse.
Ayon sa pahayag ng Vatican, kusang nagbitiw sa pwesto si L.A. Assistant Bishop Alexander Salazar, 69 anyos.
Ang kaso ni Salazar ay isa lamang sa maraming akusasyon ng sexual abuse laban sa mga alagad ng simbahan.
KAmakailan inilabas ang grand jury report ng US kung saan nakasaad na 301 na mga pari sa Pennsylvania lamang ang nang-abuso ng mga menor de edad sa loob ng 70 taon.
Sa Pebrero magpapatawag ng major meeting sa Vatican para talakayin ang global sex abuse crisis na kinakaharap ng simabahan
MOST READ
LATEST STORIES