Tumatangkilik sa PITX dumarami ayon sa DOTr

Inulat ng Department of Transportation na unti-unti nang dumarami ang mga pasaherong gumagamit ng ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon sa DOTr, mula 6,764 noong December 1, umakyat ang bilang ng pasahero sa PITX sa 36,491 noong December 17.

Sinabi ng DOTr na ang pagdami ng pasahero ay bunga ng kooperasyon ng mga bus operator, bus driver at ng mga commuter.

Tiwala ang DOTr na higit pang mararamdaman ang benepisyo ng PITX kung magpapatuloy ang magandang kooperasyon sa lahat ng sektor.

Sinabi rin ng DOTr na nananatiling bukas ang kanilang taggapan para sa suhestyon at reklamo upang higit pang mapabubuti ang operasyon ng PITX.

Read more...