PUBLIC SERVICE: Scheduled water interruption ng Manila Water

Ipagpapatuloy ngayong araw ng Manila Water ang pipe maintenance nito sa Quezon City.

Sa abiso ng Manila Water, gagawin ang aktibidad sa bahagi ng 20th Avenue partikular sa kanto ng Diego Silang at kanto ng Tuazon Street.

Dahil dito, mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Barangay Masagana, San Dioquino at San Roque.

Pinayuhan ng Manila Water ang publiko na mag-ipon ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin para sa mga oras na walang suplay ng tubig.

Read more...