Tatlo patay sa sunog sa Quezon City

Tatlo ang kumpirmadong nasawi sa sunog na naganap sa isang residential-commercial area sa Novaliches Quezon City.

Nagsimula ang sunog alas 2:54 ng madaling araw kanina (Huwebes, Dec. 20) sa bahagi ng Damong Maliit, Barangay Nagkaisang Nayon.

Kabilang sa tatlong nasawi ang isang 5 taong gulang na bata.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at naideklarang fire out alas 4:34 ng umaga..

Tinupok ng apoy ang walong commercial estabilishment at 3 residential unit at nadamay din ang isang sasakyang nakaparada.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Quezon City Fire Department sa naturang insidente.

Read more...