Huli itong namataan sa 955 kilometers East ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas dahil sa buntot ng nasabing LPA, maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa buong Visayas at Mindanao.
Ang mga mararanasang mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan ay maaring magdulot ng pagbaha o landslide.
Sa Luzon naman, maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Aurora at Quezon dahil sa Northeast Monsoon.
Sa Metro Manila naman at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin lamang ang mararanasan at magkakaroon ng isolatedna pag-ulan sa hapon o gabi.