Malaking bahagi ng Mindanao inuulan dahil sa LPA

Nakararanas na ng malakas na buhos ng ulan ang maraming lugar sa Mindanao dahil sa buntot ng Low Pressure Area.

Sa inilabas na rainfall warning ng PAGASA, alas 5:00 ng umaga, orange warning level na ang itinaas sa sumusunod na lugar:

– Dinagat Islands
– Surigao del Norte
– Siargao Islands
– Surigao del Sur
– Agusan del Norte
– Agusan del Sur (Sibagat, Bayugan City, Esperanza, Prosperidad, San Luis)
– Davao del Norte (Samal Island)
– Davao Oriental
– Compostela Valley
– Misamis Oriental (Magsaysay, Gingoog City, Claveria, Talisayan, Balingoan)
– Camiguin

Ayon sa PAGASA, malaki ang posibilidad ng pagbaha sa mabababang lugar bunsod ng nararanasang pag-ulan.

Samantala, yellow warning level naman ang nakataas sa nalalabing bahagi ng Agusan del Sur at Davao del Norte, sa Davao City, Basilan, Sulu, Tawi Tawi, Zamboanga City at sa Nunungan, Lanao del Norte.

Muling maglalabas ng rainfall advisory ang PAGASA mamayang alas 8:00 ng umaga.

Read more...