Presyo ng Noche Buena items hindi na tataas ayon sa DTI

Wala nang isang linggo bago ang Pasko, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi na inaasahang tataas pa ang presyo ng Noche Buena products o mga inihahanda tuwing hatinggabi bago ang Pasko.

Ayon kay Trade and Industry Usec. Ruth Castelo, ito ay dahil ‘stable’ na ang presyo ng Noche Buena items.

Nag-ikot ang DTI sa ilang supermarket kahapon, araw ng Miyerkules at lumalabas na mayroong mga produkto na mas mababa pa ng P3 hanggang P5 sa itinakda nilang suggested retail price (SRP).

Ani Castelo, posibleng ang kawalan ng paggalaw o posibilidad ng pagtaas ng mga produktong ito ay umabot pa hanggang sa pagtatapos ng 2018.

Payo naman ng opisyal sa mga mamimili, mas tipid ang pagbili ng ‘bundled products’ o ‘per set’ na mga sangkap lalo na sa paggawa ng salad o spaghetti.

Read more...