Nag-sorry na ang BDO Unibank kaugnay sa isa sa mga advertisement nito na naging viral sa social media.
Ayon sa BDO, humihingi sila ng patawad dahil sa paglalabas advertisement nito, na ‘insensitive’ umano para sa ilang netizens.
Pagtitiyak ng BDO, nireresolba na nila ang usapin.
Tinanggal na rin umano nila ang naturang kontrobersyal na advertisement.
Noong November 03, naka-upload sa Facebook page ng BDO ang isang advertisement kung saan nakasaad ang tanong na ‘SAVE THE ENVIRONMENT OR SAVE UP TO SEE PLACES?’
Agad itong nag-trending at nagresulta ng iba’t ibang negatibong reaksyon mula sa mga netizen.
Ang iba pa ay inungkat ang iba pang isyu laban sa SM Group of Companies, na pag-aari ng business tycoon na si Henry Sy.
Halimbawa rito ang isyu noong laban sa SM City Baguio na binatikos matapos pagpuputulin ang mga pine tree upang bigyang daana ng sky park project ng naturang mall.