9 timbog sa buy bust sa Mandaluyong City

File phpto

Arestado ang siyam na katao sa isinagawang buy bust operation sa Sinag, Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Nakilala ang mga naaresto na sina Danilo Guillermo, Jerry Constantino, Nathaniel Millari, Ramo Vitaracia, Rodel Mercado, Lorelie Hilario, Jonnery John Perilla, Ruben San Diego, at Roger Dalo.

Target lamang sana ng operasyon si Guillermo ngunit nang madakip ito ay naaktuhan ang iba pang suspek na gumagamit umano ng shabu mismong sa kanyang bahay.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong sachet ng hinihilang shabu at ilang piraso ng drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...