Suspek sa panghahalay at pagpatay sa 24-anyos na dalaga sa QC, nahuli na

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek sa panggahasa at pamamaslang sa isang 24-anyos na dalaga sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Batay sa ulat ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. kina PNP Chief Director General Oscar Albayalde at National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Guillermo Eleazar umamin na ang suspek na si Rommel Formento, 32 anyos sa kanyang ginawang krimen.

Matatandaang natagpuan na lamang ng ama ng biktimang si Joniecar Letran ang bangkay nito sa Cadena de Amor St.

Agad na isinumbong sa pulisya ang krimen at habang isinasagawa ang imbestigasyon ay umamin si Formento na ginahasa niya ang biktima bago paslangin.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives, pinalo ng matigas na bagay ang ulo ng biktima dahilan para mabasag ang bungo nito at kanyang ikinamatay.

Mahaharap sa kasong rape with homicide ang naturang suspek.

Read more...