Mga ospital pinaghahanda na sa fireworks-related injuries

INQUIRER file photo

Pinaghahanda na ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga ospital na maging alerto at handa sa inaasahang dagsa ng mga sugatan dahil sa paputok ngayong holiday season.

Magsasagawa ng surveillance para sa fireworks-related injuries ang DOH mula December 21, 2018 hanggang February 5, 2019.

Nakatakdang magsumite ang nasa 50 ospital sa bansa ng kanilang ulat tungkol sa fireworks-related injuries.

Pinayuhan ni Duque ang mga magulang na huwag payagan ang kanilang mga anak na gumamit ng paputok lalo na ng piccolo.

Ito anya ang pinakapangkaraniwang sanhi ng injuries ng mga kabataang 10 taon hanggang 14 taong gulang bukod sa kwitis, luces at fountain.

Nanawagan ang kalihim sa publiko na bumisita sa mga ospital sakaling masugatan dahil sa mga paputok.

Iginiit naman ni Duque na isa sa mga pinakamagandang paraan para makaiwas sa fireworks-related injuries ay ang mga community fireworks display.

Read more...