Asahan nang tataas pa ang bilang ng mga nasawi sa anti- drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pahayag ito ng palasyo matapos ihayag ng pamahalaan na pumalo na sa limang libong katao ang namatay sa operasyon sa iligal na droga sa ilalim ng Duterte administration.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiyak na lolobo pa ang bilang kapag nanlaban ang mga drug personalities sa mga otoridad.
Sinabi pa ni Panelo na ang limang libong nasawi ay patunay na marami sa mga Filipino na sangkot sa iligal na droga ang lumalaban sa pamahalaan.
Bagaman nasa mahigit limang libo katao na ang nasawi, sinabi ni Panelo na maliit pa rin ang naturang bilang kumpara sa 30,000 bilang ng mga nasawi na inaakusa ng ibang pekeng news agencies.
Dagdag pa ni Panelo, mananatiling matigas ang puso ng pamahalaan laban sa iligal na droga.